Ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng halos limang produksyon ang PAD-TA sa loob ng isang taon. At ngayong magtatapos na ang taong ito, kaming mga kasapi ng PAD-TA ay nais muling magpasalamat sa lahat ng nanuod at tumangkilik ng aming mga produksyon (Twin-Bill Major Production: "The Boor & Tatlong Ulupong", Exit Production 2015: "Tales in the Woods", Opening Salvo 2015: "The Adventures of ZsaZsa Zaturnnah: The Musikal", ang unang beses naming makasali sa Short + Sweet Manila 2015, "Presto", at ang pinakasimula ng pagkakaroon ng isang theater festival sa Bulacan State University, "#aMPlitheater"). Maging sa aming mga dula noong mga nakaraang taon, ay gusto namin pasalamatan ang lahat ng tumulong o sumuporta sa amin.
Sana sa darating na taon na 2016 ay patuloy niyo pa pong suportahan ang aming mga likha. Abangan ang mga susunod naming produksyon (Major Production 2016: "Makikitawag Lang Ako", Exit Production 2016: "Pinocchio and the Strings of Lies", at ang mga dulang nakasali sa darating na Fringe Manila 2016 at PASINAYA 2016").
Isang malaking pagpapala ang lahat ng produksyong ito sa aming organisasyon. Maraming salamat, 2015, sa magandang taon para sa amin! Patuloy nating tangkilikin at iangat ang teatro hindi lang dito sa Bulacan, pero maging sa buong Pilipinas at buong mundo! Maraming salamat po!
Maligayang bagong taon sa ating lahat! Thank God! Long live, PAD-TA!
Official PAD-TA Site: padtheaterartsunit.weebly.com
Facebook Page: facebook.com/bulsupadta
Twitter and Instagram Account: @padtheaterarts
YouTube Channel: Performing Arts Division-Theater Arts Unit